Pakinggan ang Aming Wedding Song
Maligayang Pagdating sa Opisyal na Website ng Aming Kasal
Malugod namin kayong inaanyayahan na makibahagi sa isang araw na isinulat ng tadhana at pinagtibay ng pagmamahal. Ang aming kasal ay hindi lamang pag-iisang-dibdib ng dalawang puso, kundi paglalakbay ng dalawang kaluluwang piniling magmahal, mangarap, at magsama habang buhay.
Sa website na ito, matatagpuan ninyo ang mga detalye tungkol sa aming espesyal na araw: ang mga lugar na magiging saksi sa aming mga pangako, ang mga sandalıng aming paghahatian, at ang mga alaalang sabay nating lilikhain. Inaanyayahan namin kayong tuklasin ang aming kwento, mag-RSVP, at masilayan ang paglalakbay ng pagmamahalang nagdala sa amin sa sandaling ito.
Hindi na namin mahintay na makasama kayo sa pagdiriwang ng isang pag-ibig na pinili araw-araw, sa hirap at ginhawa, at sa habang-buhay. Ang inyong presensya ay magiging bahagi ng aming kwento - isang alaala na aming iingatan magpakailanaman.
Pakigamit po ang aming opisyal na hashtags sa pagbabahagi ng mga sandaling ito:
#IANnatalagaparakayALLEN
#IanfoundhisforevermamahALLEN
Hanggang sa araw na pag-isahin ang aming pangarap at pangako.
Ian 💖 Allen Rose
Kwento ng Aming Pag-ibig
Ang Aming Munting Kwento ng Pag-ibig
Minsan, ang pag-ibig ay hindi dumarating nang biglaan. Tahimik itong dumarating sa tamang oras, sa tamang pagkakataon, at minsan ay ipinaparamdam sa pamamagitan ng isang simpleng kanta.
Sa isang patimpalak unang nagkaroon ng pagkakataon ang kanilang mga landas na magkrus. Taong 2016, dahil sa isang pageant na nilahukan ng kapatid ng soon-to-be bride, sa paaralan kung saan nagtuturo ang soon-to-be groom, may isang mensaheng ipinadala ngunit nanatiling walang sagot. Isang simula na hindi pa handang ipagpatuloy ng panahon. Lumipas ang mga taon, at inakala nilang doon na nagtapos ang lahat. Ngunit may mga kwentong hindi basta tinatapos ng panahon.
Taong 2023, pitong taon matapos ang unang pagtatangka ng pagkilala, muling nagkrus ang aming mga landas sa isang pagtitipon matapos ang isang patimpalak na nilahukan ng isa pa niyang kapatid. Habang nakapila ang soon-to-be groom sa buffet, may isang tinig na pumukaw sa kanyang pansin. Isang kantang hindi niya inaasahan, ngunit sapat upang mapahinto siya at mapalingon.
Ika-7 ng Disyembre, 2023, sa Liza’s Place nagsimula ang lahat. Kasama ang pamilya ng soon-to-be bride at ang mga kapwa-guro ng soon-to-be groom, nagsimula ang simpleng kumustahan na nauwi sa kwentuhan, tawanan, at kaunting pag-uudyok. Doon napagtanto ng soon-to-be groom na ang babaeng kumakanta habang siya ay nakapila sa buffet ay ang soon-to-be bride. Sa unang pagtatagpo, may kakaibang gaan sa pakiramdam. Walang ilangan at walang pilit, para bang matagal na silang magkakilala at ngayon lamang muling pinagtagpo.
Mula sa araw na iyon, hindi na natapos ang kanilang usapan. Sa chat man o sa mga muling pagkikita, unti-unting nabuo ang isang ugnayang totoo, natural at komportable. Dumating ang ika-6 ng Enero, 2024, nang muling ilayo sila ng tadhana sa paglipad ng soon-to-be bride pabalik ng Japan. Sa kabila ng distansya, nanatili ang pag-asa at pananabik sa muling pagtatagpo. Doon nagsimula ang kanilang long-distance relationship, isang kwento ng pag-ibig na matatag kahit sa pagitan ng mga libong kilometro.
Hindi naging madali ang kanilang long-distance relationship. May mga araw ng pangungulila at pagod, ngunit bawat hamon ay naging paalala ng tibay ng kanilang pagmamahalan. Sa bawat mensahe at bawat tawanan sa video call, unti-unti nilang napatunayan na kahit magkalayo, nananatili ang init at tibay ng kanilang damdamin. Pinili nilang manatili, pinili nilang ipaglaban ang isa’t isa sa kabila ng distansya. Noong ika-7 ng Pebrero, 2024, naging pormal ang kanilang relasyon sa isang simpleng mensahe mula sa soon-to-be bride:
‘Let’s make it official, Love, shall we?’
At mula noon, mas pinili nilang sabay harapin ang lahat. May mga tampuhan, may pagsusuyuan, may tawanan, at mahabang kwentuhan, mga sandaling nagpapatunay na ang pag-ibig ay hindi perpekto ngunit totoo. Unti-unti nilang napatunayan na kaya nilang maging tahanan ng isa’t isa, saan man sila dalhin ng pagkakataon. Mas napagtibay ang kanilang relasyon nang may nadagdag na munting kasama sa kanilang buhay, isang simbolo ng kanilang pagmamahalan at ligaya, ang kanilang alagang aso, si Ace, na nagdala ng dagdag na init, tawanan, at kagalakan sa bawat araw na lumilipas.
Bahagi ng kanilang kwento ang pagbisita ng soon-to-be groom sa Japan bilang turista, isang tahimik ngunit makatotohanang hakbang na nagpapakita kung gaano niya pinapahalagahan ang kanilang pagmamahalan. Hindi biro ang paghahanda, mula sa pagproseso ng mga dokumento, pag-aayos ng mga dadalhin, hanggang sa lihim na paghahanda ng mga regalong hindi alam ng soon-to-be bride. Isa sa mga regalong iyon ay isang singsing, isang tahimik na desisyong matagal nang buo sa kanyang puso, na sumisimbolo ng pangakong handa niyang ialay sa babaeng minamahal niya sa bawat pagkakataon. Sa bawat sandali ng paghahanda, sa bawat lihim at ngiti sa isip, mas lalo nilang napatunayan na sa kabila ng distansya at hamon, matatag at puno ng init ang kanilang pagmamahalan.
Noong ika-7 ng Setyembre, 2025, sa unang pagbisita niya sa Japan, pinili ng soon-to-be groom na lumuhod at itanong ang tanong na magbabago sa kanilang buhay. Isang simpleng sandali, ngunit puno ng tapang, pangako, at pagmamahal, isang sandaling magpapatunay na ang bawat hakbang na kanilang tinahak ay patungo sa isa’t isa. Ang pagbisitang iyon ang naging hudyat ng pagbabalik ng soon-to-be bride sa Pilipinas, at ng pagsisimula ng bagong yugto na sabay nilang tatahakin, puno ng malinaw na plano at pangarap para sa kanilang kinabukasan.
Noong ika-4 ng Oktubre, 2025, nagtagpo ang dalawang pamilya sa isang makabuluhang okasyon, ang tradisyunal na pamamanhikan. Doon, sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay, napagkasunduan na ang dalawang pusong matagal nang naglalakbay patungo sa isa’t isa ay mag-iisang dibdib sa darating na buwan ng Pebrero 2026.
Dito nagtatapos ang aming kwento, hindi bilang wakas kundi bilang simula ng habangbuhay, isang simula na puno ng pangako, pagtitiwala, at pag-ibig na handang harapin ang bawat hamon at ligaya, hanggang sa dulo, at hanggang sa kunin kami ng Maykapal.



Gabay sa Kasuotan
Mga Ninong:
Barong Tagalog na kulay beige/brown, Itim na slacks at itim na sapatos
Mga Ninang: Moderno o Tradisyonal na Filipiniana na kulay dusty blue

Mga Kaibigan at Kapamilya

Paalala: Isuot ang kulay na kasuotan na naaayon sa color motif (dusty blue and beige) sa araw ng kasal. Iwasan ang pagsuot ng sando at tsinelas.
Gabay sa Regalo
Tunay na kami ay pinagpapala sa lahat ng biyaya na aming natatanggap. Ang inyong panalangin at presensya ay ang tanging hiling namin. Ngunit kung nais pa rin po ninyong magbahagi sa amin, mas makakatulong po sa amin ang regalong pinansyal.
Mga Larawan
Tulungan ninyo kaming gawing mas makabuluhan ang araw na ito. Mangyaring kumuha ng mga larawan at ibahagi ang inyong mga kuha gamit ang aming opisyal na hashtag:
#IANnatalagaparakayALLEN
Lokasyon at Mapa
Mga Madalas Itanong

RSVP
Paalala sa RSVP: Limitado lang ang aming imbitasyon sa pinakamalapit na kaibigan at pamilya. Maliban kung nakasaad, ang bawat imbitasyon ay para sa 1 upuan lamang. Salamat po sa pag-unawa!
May tanong tungkol sa RSVP? Sabihan nyo lang po kami.
09943995722




