YOU ARE CORDIALLY INVITED TO THE WEDDING OF

:
:
:
Days
Hours
Minutes
Seconds
Countdown finished!

LISTEN TO OUR WEDDING SONG

Maligayang pagdating sa aming

wedding website


Kami ay lubos na nasasabik na ibahagi ang espesyal na araw na ito sa inyo!


Hindi na kami makapaghintay na ipagdiwang ito kasama kayo at gumawa ng mga alaala na tatagal habambuhay.


Please use our official hashtags

#RAKInrollWithYHAN #DIANEforgettableDayWithRAQUE

Lugar ng Pagdadausan

CEREMONY

Iglesia Ni Cristo Lokal ng San Marcos

VIEW MAP

RECEPTION

Cocoland Village Clubhouse

VIEW MAP

CEREMONY

Iglesia Ni Cristo Lokal ng San Marcos

VIEW MAP

Seremonyang Walang Gadget

Mas nais naming makita ang inyong mga ngiti, hindi ang inyong mga gadget.


Kaya’t magiliw po naming hinihiling na itabi muna ang mga cellphone at kamera hanggang matapos ang seremonya.


Mayroon po kaming kahanga-hangang photographer na siyang bahala sa pagkuha ng bawat mahalagang sandali.


Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.

Gabay sa Kasuotan

mga saksi

Ninong:  Traditional Barong

Ninang:  FilipiÑana or Formal dress

MGA ABAY

Abay (Babae): Long dress in maroon
Abay (Lalaki): Traditional Barong and Black Slacks

BISITA:

Pormal o Semi-Pormal sa mga neutral na kulay

REGALO

Ang inyong presensya sa aming kasal ang pinakamahalagang regalo na maaari naming matanggap.


Ngunit kung nais ninyo kaming bigyan ng isang regalo, lubos naming pahahalagahan ang anumang pinansyal na kontribusyon upang makatulong sa pagsisimula ng bagong yugto ng aming buhay.

Ang kuwento ng aming Pag-ibig

💍 Our Love Story

Sabi nila, ang tadhana ay mahilig magpa-surprise — at totoo nga.

Sino bang mag-aakala na isang simpleng “hello” sa dating app ang magiging simula ng pag-ibig na itinadhana ng langit?



Our Story Begins


Bago pa man kami magkakilala, narinig na ni Diane ang pangalan ni Raque sa lokal.

Isang araw ng pagtupad, nagtanungan sila ng mga kasama kung paano bigkasin ang isang bagong pangalan.

Napatawa siya at nasabi sa isip niya,

“Ahh oo nga, di ko knows parang bago sakin” — hindi niya alam, iyon na pala ang pangalan ng taong mamahalin niya. ❤️


Ilang linggo pa ang lumipas, nakita niya siya sa opisina “Ahh siya ba ‘yung pangalan?” — tahimik, seryoso, at may konting masungit look na somehow, nakatawag ng pansin.

Sa isip niya, “Ang pogi naman nito… single kaya?” 😅


At doon nagsimula ang lihim na curiosity — na kalaunan, ginawan ng paraan ng Ama.



The First Swipe


Isang gabi, habang nagbubukas si Diane ng dating app, bigla niyang nakita si Raque sa screen.

Napahinto siya at napasabing, “Ama, siya na ba ‘yung lagi kong pinapanalangin?”

At siyempre — swipe right agad.


Si Raque naman, hindi nagdalawang-isip mag-chat:

“Hello po, kapatid.”

Ang sagot ni Diane,

“Hello, kilala po kita hahaha.”


At doon nagsimula ang lahat — isang simpleng chat na humantong sa mahaba at totoo naming kwentuhan.

Hindi lang basta small talk — diretsahan, totoo, at walang paligoy-ligoy.

Mula sa tanong na “Anong trabaho mo?” hanggang sa “Kailan tayo magkikita?” — lahat naging natural.



The First Meet-Up


Nang inalok ni Raque na mag-jogging sa unang beses naming pagkikita, pumayag si Diane agad — kahit medyo kabado.

At doon namin naramdaman na may tiwala at spark na kakaiba.

Simula noon, tuloy-tuloy na ang chat, tawag, kulitan, at panliligaw.


Hanggang sa isang gabi, matapos ang simpleng lakad after work, tinanong ni Raque:

“Pwede bang tayo na?”

At nang ngumiti si Diane at sumagot ng “oo,” doon nagsimula ang kwento ng aming forever. 💖



Faith & Timing



Minsan naiisip ko — kung hindi ako nag-INC, baka hindi ko siya nakilala.

Kung hindi ako nagbukas ng dating app nung gabing ‘yon, baka hindi kami nagka-swipe.

At kung hindi din sa tamang panahon ng Ama, baka hindi rin kami pinagtagpo.


Ngayon, habang papalapit ang aming #DIANEnforgettableDayWithRAQUE,

hindi ko maiwasang mapangiti sa plano Niya — sobrang perpekto talaga.

Mula sa isang simpleng “Hello po, kapatid,” hanggang sa araw na haharap kami sa Ama,

alam kong lahat ng ito ay biyayang galing sa Kanya.


Laking pasasalamat ko sa Ama,

dahil binigyan Niya ako ng isang taong magpapasaya at magiging katuwang ko habang buhay. ❤️


Snap & Share

Scan to start sharing

Mga Madalas Itanong

  • Is there parking space available for my car?

    Yes, may parking naman for everyone sa venue. Pero since first come, first served, baka maubusan pag late ka dumating

  • When is the appropriate time to leave?

    We would love for you to stay and celebrate with us until the end of the program. Your presence means so much to us, and we hope you can enjoy every special moment with us. 💕

  • How can I help the couple have a great time during their wedding?

    • Please pray with us for good weather and for God’s blessings as we start this new chapter as husband and wife.
    • Mag-RSVP na once cleared na ang schedule mo.
    • Dress appropriately and follow our wedding motif.
    • Please be on time.
    • Kindly follow the seating arrangement sa reception.
    • Stay and celebrate with us until the end of the program.
    • Join the activities and enjoy!
  • May I invite a "PLUS ONE" to the event?

    As much as we’d love to accommodate everyone, limited lang po talaga ang number of guests. This event is strictly by invitation only. Please check your invitation to know how many seats are allotted for you. Guests who are not on the guest list won’t be allowed to enter.

  • Can we bring a fur baby?

    We can allow pets only during the reception, as long as they are wearing a proper diaper, kept on a leash, and under supervision at all times. Pets are not allowed in the church. We hope you can still join us for this special day!

  • Can I sit anywhere at the reception?

    Marami po kaming oras at pag-uusap na ginugol para mabuo ang seating arrangement, na inayos para sa kaginhawaan at preference ng bawat isa. Pero huwag mag-alala! Makakaupo kayo kasama ng inyong mga kaibigan o mga taong pareho ninyo ng interes.


    Ang aming mga coordinator ay masaya kayong tutulungan hanapin ang inyong nakalaang upuan pagkatapos ng registration. Huwag mahiyang magtanong—lagi po silang handang tumulong

  • Am I allowed to take pictures and/or videos during the ceremony?

    📸 A Gentle Reminder for Our Special Day 💍


    Sa aming mga mahal na bisita, we kindly ask everyone to keep the ceremony camera-free.

    Habang nagaganap ang aming “I DOs,” please refrain muna from taking photos or videos inside the church —

    para manatiling solemn at special ang moment.


    Don’t worry po — our official photographers will lovingly capture every precious memory for everyone to relive later. 💖


    Pagdating naman sa reception, game na game na ulit tayo! 🎉

    Bilang couple na mahilig sa pictures, we made sure na may maraming photo-worthy spots for you to enjoy.


    Please use our official hashtags:

    ✨ #RAKInrollWithYHAN

    ✨ #DIANEnforgettableDayWithRAQUE